Sinu Sino Ang Mga Tauhan Sa Noli Me Tangere Kabanata 58?
Sinu sino ang mga tauhan sa noli me tangere kabanata 58?
Noli Me Tangere
Kabanata 58: Ang Sinumpa
Mga Tauhan:
alperes - kilalang pinakamakapangyarihan sa bayan ng San Diego at siyang namumuno sa mga gwardya sibil.
kapitan - ang pinuno ng isang bayan na siyang nagpapalaganap ng kaayusan at kapayapaan ng bayan.
Don Filipo - ang tinyente mayor ng bayan ng San Diego na nabilanggo bunga ng kaguluhan.
Kapitana Tinay - ina ni Antonio na isa ring bilanggo.
Antonio - isa sa mga dinakip bunga ng kaguluhang naganap.
Kapitana Maria - ang ina ng kambal na nabilanggo din.
Biyenan ni Andong - ang tagapagtanggol ni Andong na paulit ulit na nagwika na ang pagkakabilanggo ng manugang ay dulot ng bago nitong salawal.
Nol Juan - ang lalaking nagsuot ng panluksa na iniaalay niya kay Ibarra.
Crisostomo Ibarra - ang sinisisi ng lahat na nagsimula ng kaguluhan.
Doray - ang kabiyak ni Don Filipo na naroon upang alalayan ang kabiyak.
Albano - seminarista na nakulong din matapos ang kaguluhan.
Pilosopo Tasyo - ang tagapayo ni Ibarra na nagmamasid mula sa itaas ng kanyang tahanan ng dapin sila Crisostomo Ibarra.
Sinang - matalik na kaibigan ni Maria Clara na labas na nahabag kay Crisostomo Ibarra.
Kapitan Basilio - ang kapitan na nagbabawal kay Sinang na mahapis para sa kaibigang si Crisostomo at amang si Don Filipo.
Read more on
Comments
Post a Comment